ako at ang sarili kong mundo

Sunday, March 19, 2006

Why an accounting exam does bring different emotions to people? by Jon Macaldo

Post ni Jon sa blog nya..

Kapag taga-UP ka, ano ba ang pipiliin mong course?

Sabi sa akin ng aking prof sa accounting, before the specie of BS Nursing came, BS Business Administration and Accountancy was the most in-demand course in the UP. Not only it has the longest word among the other courses in UP Diliman, it is also (hindi naman sa pag-aangat ng bangko) one of the hardest courses offered in the university. Unlike in other universities, they offer a 4-year accounting course, with just fewer management subjects, including law, finance, statistics and economics. But in UPD, hindi lang mga pamatay na accounting subjects ang meron. Tinadtad din ng management subjects, feasibility, finance, law, statistics, economics and even algebra with trigonometry and calculus subjects!!!! Kamuzta naman talaga... I thought, due to my aunt's stories during her college life as an accounting student, accounting is very, very EASY. But no! I was very very wrong. BA 99.1 pa lang, pamatay na... at sabi ng upper batches, pag mahal na mahal mo daw ang math, lagot ka na sa accounting! Ewan talaga…

Bakit ang accounting ng UP napakahirap? Sabi nila, this course tests us how will we perform in the so-called "real life". E anong tawag dito sa buhay na to? Fake? Peke ba yung paghihirap mo sa almost 3 and a half hours na exam na kulang na kulang na, tapos di ka pa sigurado kung papasa ka? I don't think so. Peke ba yung mga nararamdaman mong emosyon sa tuwing mag-eexam ka ng accounting? I don't think so. Para sa akin, accounting tests our ability to see life as how it is presented no pretensions, no hesitations. Diba ganun naman talaga? Sa accounting, kung naghesitate kang magsagot sa tamang formula dahil natatakot kang mag-try or i-test ang shortcut, laos ka na. Para sa akin, hindi lang ang pagkuha ng 2.75 (though ito ang target mo para BAA ka till pip year) ang dahilan kung bakit kelangan mong mag-aral ng mabuti. Walang kuwenta ang pag-aaral mo, kung hindi ka naman magtitiwala sa sarili mo. Wala ding kuwenta ang lipovitan, gatorade at ilang milyong taong pagbabasa sa IAS at kung anu-ano pa man. Di baleng matanggal ka sa wanwanpor nang lumalaban at umiisip ng paraan kung pano siya magulangan kesa mag-drop at natatakot ma-tres or singko. Me rason bako?

YUP, nag-shift ako sa BAA…dahil akala ko ito ang destiny ko. Maging accountant. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ang desisyon ko. Nasilaw lang ba ako sa perang maihahatid ng BSBAA kung nakapasa ako ng board o dahil gusto ko talaga siya? Hindi ba valid na reason na gusto mo siya dahil gusto mong makatulong sa pamilya mo by bringing an income to them? Hay...

Why an accounting exam brings different emotions to people? Marahil marami tayong rason. Siguro dahil sa pressure ng scholarship, pamilya, friends, pati na rin ang sarili mo. Pwede din ang society dahil ina-assume mo na natanggal ka sa BAA dahil tanga ka or in a euphemisim, you’re a lesser person na maaaring tingin sayo ng lipunan. MALAKING KALOKOHAN ang lahat ng mga ito!!!! Natanggal ka dahil ayaw mo na... ayaw mo nang maging BSBAA. Ayaw mo na ng puyatan nang wala namang masyadong reward... ewan talaga sa’yo… peace talaga... it's just my opinion... .=) - by Jon Macaldo (2nd Year BS BAA, JPIA Member, Exte Co-chair)

Sagot Ko...

believe it or not Jon, maraming mga tao ang gustung-gusto magstay sa BS BAA program pero hindi na pwede dahil mismong ang kolehiyo na ang nagtanggal sa kanila.

Lalo na kasi pagdating sa 114. Mapapansin mo na sobrang hindi directly related ang number of hours devoted to studying sa grade na makukuha mo sa exam. At lalong hindi rin inversely related ang number of hours ng tulog sa grade sa exam. Maraming mga tao ang totoong ibinigay nila ang lahat para pumasa sa 114. Maraming mga tao ang hindi lang dugo, pawis at tulog ang sinakripisyo para lang pumasa. Marami sa amin, halos wala nang social life o family life dahil sa accounting. Pero ayun, matapos ang lahat ng kaputahan na naganap... natanggal pa rin sa BS BAA.

Pero sobrang totoo na hindi porket tanggal sa BS BAA ay mahina na. Hindi ako naniniwala dun. May mga tao kasi na hindi lang talaga para sa accounting. Para lang din yang pagkanta o pagsayaw, may mga bagay na hindi talaga sadyang hindi ka lang talaga magaling kahit ano pa ang gawin mo. Pero hindi ito isang kawalan. Leche... Accounting lang yan! There's more to life than BA 99.1, 99.2, 114, 116, 118 and 123. (Haha... but then again, life in college is all about these 6 subjects!) - by Chad. =)

1 Comments:

  • Hello po.. ang ganda ng blog nyo.. Grabe, ewan ko ba kung na-inspire ako or natakot?! hehehe.. What i know is that it moved me. I am a student of UPLB po kasi, taking up BS Devcom.(Mali nga e, i took up the course kasi naisip ko na since dito kami malapit e ito na lang ang course ko dahil ito ang offered. Not to put down my college ha, i think it's very good. It's just alam nyo po yun di ba pag wala dun yung puso mo.. Enough of that,) BTW i am thinking of shifting to BAA, dapat last year pa kaya lang we had a family-related problem way back. Kaya po ngayon eto sophie na ko but my heart still beats for BAA (i think?!). I even list down technicals that are all related to Econ & management, math and accounting. Yun po sobrang gusto ko talaga mag-BAA pero nung nabasa ko po ito e ayun parang wait.. mag-iisip muna ako haha. What do you think po? Do i have a chance into getting admitted sa BAA? My GWA is 1.5 may effect ba yun? Please.. I need your opinion.(",)

    By Blogger Unknown, at 1:33 PM  

Post a Comment

<< Home