First day Funk
Hay, grabe, bukas, 1st day of classes... actually, I'm not yet enrolled. At ayoko pa, hehe... Nako, tama na ang ganitong mentalidad. Kailangang mapanindigan ko na ang desisyong ito. Iniisip ko nga e, mas maswerte pa ko kay JOshua, kasi siya, he can never go back to Manila, unless...
O ito, sobrang bored talaga ako... buti na lang, nakatakas ako at nakapagnet, ahehe... sobrang boring! shet... wala akong ginawa kung hindi matulog, kumain, manood ng TV, magtext, kumanta with the discman! whoopie.. halatang walang pakinabang sa sistemang panlipunan... haha. =p magkukwento muna ako ng mga naganap dis week, since puro mga nararamdaman ko lang ang nilalagay ko sa blog ko:
****************************
Reg week ng UP last week. of course, bitter-bitteran ako dahil sa FEU na ko next sem. So bonding na naman ako sa SFAS, batchmates. At wag ka, ang ingay namin sa 3f back... walang magawa. Nagulat naman ako sa RVC dahil nakalagay name ko sa whiteboards (non-major daw), so nahihiya talaga ako... hello, di nako UP next sem, so what's the use diba?.
****************************
1st eb meeting ng JPIA nung Wednesday. Tuwang-tuwa naman ako, dahil welcome pa din ako (YOON!) Nakakalungkot nga lang, at hindi na ko co-chair ng Externals... sadness, pero ganito talaga e. Panindigan! Haha... Naiinis nga lang ako sa isang tao at bakit kelangan pang sabihin bakit andito ka? Kahit alam kong pabiro lang yun, masakit pa din... at same person lang yun sa kinatatampuhan ko (tantanan na ang immaturity). Wushu! Tuwang-tuwa ako para sa mga kaibigan kong sila Cleiza, Bambi, Katrina at Nikki who have taken the challenge of being part of the EB. Yehes, GO Juniors!
****************************
Pumasa ako sa FEU, at hindi naman ako masyadong masaya. Sabi nga ni Lica, kamusta ka naman, UPCAT passer ka so, papasa ka talaga dian! Ahehehe. At oo nga, pasado ako. 93 percent ako sa exam at may 99 na percentile, meaning nasa upper 1% ako ng pumasa (yabang!). Dahil don, Merit scholar ako, ibig sabihin, may scholarship forever, ahehe... UNfortunately, di pala, kasi transferee daw ako at hindi entitled sa scholarship! Pakshet! Sana di na lang nila ako nilagay sa list na yun. I felt that I was blacklisted. Biro mo ba naman, sa top 16 (yabang!) tapos ako lang ang hindi qualified for the scholarship! Kamusta ka naman, kelangan ko ng pera ateh!!!!! Grrr tlaga...
****************************
Nanuod kami nila Archie, Micha, Charm,Chino ng the Omen. As usual, si MIcha nangilabot na naman. At wala na kong pera pauwi non. So nangutang ako sa ever kind na si Micha at nakauwi nako! Woohoo! Pinagalitan na ako ng tatay ko kasi gabi na raw ako umuwi.
****************************
Walang kuwenta na ang other events. Some ay personal... So di ko na lang ikukuwento... ahehehe =p
****************************
Napag-katuwaan ko sa photoshop ang Bacbacan pix... tignan natin ang kinalabasan, ahehehe. (upper part of the entry)ayaw pala malagay,next tym na lang ha! =p
0 Comments:
Post a Comment
<< Home