ako at ang sarili kong mundo

Tuesday, June 27, 2006

Nakakatuwa lang...


Nakapagsama na din kami ng RAGSJAM nung Linggo!Yay... After so many months na di nagkita-kita dahil sa busy scheds and kaniya-kaniyang buhay, sa wakas, nagkasama kaming lahat ulit. I miss them sobra!!! Sobrang lagi na lang akong devoted to school work at org responsibilities, so I can't find the time to spend with them... Pano ba naman kasi, 2 kaming nasa UP lang, e si Dory e Educ na, so wala din, di din kami nakakapagmit talaga... Sa laki ba naman ng UP e... =p

Anyhoo, ayun nga... nagkita kaming lahat sa bday ng mom ni Grace. Sobrang nag-alangan kami nila Junyl, Geraldine at Doray dahil nga pangmatanda din yun, at saka baka maulit yung dating, sinabi ng mom niya na "please let them go". Yun so sinundo nalang ako nila Junyl beforehand dahil wala nga akong pera at balak sumama... Hindi ako nagregret dahil nagbonding kaming magkakaibigan, dahil gumawa kami ng sarili naming mundo, hahaha. Dahil si Grace ay may friends pa from her job (call center, ang lupit no, tapos Nursing student pa siya), kaming apat muna ang nagkwentuhan... Kaniya-kaniyang mundo sa bahay nila, mga tanders, call center friends at RAGSJAM. So yun. Nagkamustahan, nagshare ng family problems, estado sa buhay... Sobrang na-guilty nga ako dahil sila pa ang huling naka-alam na lumipat na ako ng school... Sabi ni Doray, "di mo ba kami friends?" E hello? Mga smart sim users kayong lahat, ako lang ang kaisa-isang globe.... duh.

Pero okei lang... Ang saya. Tapos e tumambay kami nila Ge at Junyl sa Jollibee Tungko (yehes, siyudad na ang San Jose del monte talaga). Wala lang, tambay lang talaga.. Wala na kaming pera dahil saktong pamasahe lang at nilibre pa nila ako sa pamasahe (friend user, haha). Ayun. Tapos kuwentuhan ulit.

I definitely miss their company. Nung HS, kahit lahat sila ay nasa Council/CAT, tapos ako wala, di pa din kami nawawalan ng oras to talk. Ang saya talaga. Kahit nagbabarahan na kami or something, ang saya pa din. Sabi nga ni Ge sa problema ko, never ka dapat nagpaplano ng buhay. Hayaan mo lang na idaloy ka sa ilog ng tadhana. May plano ang Diyos sa ating lahat kaya ganiyan... Naalala ko pa sabi ni Asa, kaya daw ganito ang nangyari sa akin dahil may purpose ang itaas... ano kaya yun? Yung pagsali ko sa JPIA mayroon din daw. Yung pag-alis ko at sa piling ng mga kaibigan ko dun (SFAS,D2 and the hyperlinks gang, Kalaiers) meron din daw. So kelangang i-accept.

GAWD... I really miss my HS barkadas... RAGSJAM at NEXT IN LINE...

next entry (I'll try with pix): NEXT IN LINE Valenzuela escapade....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home