ako at ang sarili kong mundo

Friday, June 23, 2006

Pressures in life

Hay, eversince I transferred school, I felt that I carry more pressures than before. Naisip ko lang, nung Isko pa ko, ang tanging pressure ko lang nun ay maka-graduate ng BAA, on time at masaya ang parents. Then, natanggal ako sa course at college, umalis ng UP, then lumipat ng FEU. Parang feeling ko, ang mata ng ibang tao ay masyadong nakakababa ng self-esteem. Wala lang. Feeling ko kasi minamata na ako minsan. Porket ba lumipat na ako ng school e ibang tao na ako at lesser mortal sa kanila? Bakit alam ba nila yung mga reasons ko kung bakit ako lumipat? Alam ba nilang nasasaktan na ako?

Ang daming dahilan, ang daming rason... Ang dami ko nang pressures in life. Una, kelangan ko nang grumaduate, on time... Una, baka mauna pang grumaduate ang 2nd kong kapatid at baka magsabay kami nung pangatlo! Shet... Ako pa ata ang papaaralin nila, ahehehe...

Pangalawa, I should perform much better this time. Alam niyo na kung bakit, ahahaha... =p

Pangatlo, kelangan kong mabalik ang tiwala ng mga magulang ko.

Pang-apat mabura sa paligid ko yung mga ganung uri ng mata.

Panglima, maging masaya at bumalik yung dating ako...

Hay nalang...

Sana alam niyong marami akong prinoblema sa school at family noon... At kung kayo lang ang nasa katawan ko nun, baka gawin niyo din ang ginawa ko...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home