ako at ang sarili kong mundo

Saturday, June 03, 2006

Wenk

Isang malaking WENK ang araw na to... Basta, as usual, hindi na naman nasunod ang mga pinaplano ko... olats talaga... sabi ko, 4 am ako gigising, but no, 4:57 am ako nagising... shet talaga. Buti nalang, mabilis ang biyahe at nakarating ako ng 6:45 am sa Tararun booth... wenk talaga. Ayun, tumulong ako sa Pep EBs na sina Aira (chair), co-chairs, Hazel, Jill, Acris, Milcah, at new cochairs na si Mar at friend kong si Cleiza (wohoo!). Nakigulo din ang mga VP na sina Lawrence at Janno. Dumating din si Manu, Micha, Addie, ang forever late na si Roger at Archie, VP Garma whose father is hospitalized today, Abby Wu, Mam Lau, Melbang maingay (LICA, ahahahaha), at si Banawa. Iba sa amen ay nagpunta lang for video shoot (Abby, Banawa, Addie) while the rest ay sa meetings (FP people, Peppers). Nakakaawa lang si Mark, kasi galing pa siyang Makati just for the shoot. Buti nga... ahehehe =p

Tapos, sabi ko, mag-rereview ako for the exam nga, for FEU. but then, katulad ng dati, hindi nasunod... wenk. kaya tumambay ako sa CBA kasama sila Banawa, Janno, Abby Wu, Roger at Anicia. Then umuwi si Roger. Umalis naman kami at pumunta silang Metroeast... hay, shet... gusto ko talagang sumama... nakakainis. So diretso nakong Morayta, kumain sa MCDO tapos woohoo!exam na...

Exaj, ang ganda ng facilities ng FEU. take note, may elevator ang building College of Nursing... hehe. Then, pumasok kami sa isang computer lab.. Nagulat ako, kala ko parang UPCAT na manually mong sasagutan, but no! Dahil hi-tech ang FEU, sa computer! ahahaha. May personal data pang ififill-up... tapos start na ng exam.

First ay Reading comprehension. Okei lang... di naman malalalim ang words at hindi masyadong boring ang articles. So keri lang. Next, grammar. Okei lang, di na ko bobo sa English e... then Science... predominantly, biology ang subject, kaya barberable... pero wag ka, alam ko pa pala yung aerobic respiration, sublimation at kung ano-ano pa... then math, my peyobrit... though nakalimutan ko na yung tests for congruency at kung ano pang kaeklatan sa geometry, inenjoy ko ang Math part. Patalo ang abstract reasoning... shet! nakakahilo talaga... dun ako nagtagal dahil nakakahilo yung pagkakaayos ng choices (i.e, a,b,c,d) pakshet! horizontal, feeling ko mali ako ng napili, given na time-pressured and exam... exaj talaga... sana pumasa, nakakahiya kung UPCAT PASSER ako tapos nakashift sa BAA pa tapos bagsak sa entrance exam ng FEU... wenk talaga...

Sige, nahihilo pa ko e.... babay muna... andito pa ko sa Morayta, Bulacan pa ko uuwi... hehe.

P.S.: Ewan ha, kanina sa UP, nang dumating sa UP yung kinaiinisan ko at kinatatampuhang tao, di ko siya masyadong pinapansin... Kapag may sandaling naligaw yung mata ko sa mata, sinasadya kong tumingin sa ibang lugar, or tao for example. Nung kinakausap niya ko kanina sa may BA, nagtanung kung bakit ako nagbabasa, biglang hindi ko siya sinagot at parang ayaw ko na siyang kausapin. Lica, wag mong sabihin kung sino to ah, kasi ba naman, NR xa e... Ewan, though gusto ko siyang kausapin kasi nga friend (?) ko siya. Ewan, nakakatampo lang talaga e. Ang daming bagay ang kinatatampuhan ko sa kanya... O eto di sa pagmamayabang (at alam kong wala akong ipagmamayabang), 1.75 ako sa Socio 101 at 2.25 sa Psych. Never akong nag-aral at forever na nagday-dream. Kitams. Ang keser niya kasi at GC mode pa daw kuno, pero gets? Kung kahit sandali lang sana ay dumalaw siya sa FOPC tambay or SAG workshops, malaking bagay na yun... Ewan talaga. Akala ko, nawala na yung tampo ko dahil nanalo na ang JPIA sa BA block, but still, ewan pa din talaga. Shet, never akong nagtampo sa tao ng ganito... Sana matigil na... Ang daming dahilan kung bakit nagtatampo ako sa kanya, pero kasi madami din palang dahilan para hindi... sana mawala na... AT SANA PUMASA AKO SA ENTRANCE EXAM AT MAKAPASOK SA QUOTA! WENK!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home