pang-networx level ito!!!
"Kung ikaw ba naman ay bumabangon na diyan at tumatatayo na e di wala nang problema."- Nanay
ito siguro yung ekspresyon na bumabagay sa buhay nating lahat. yung parang ekspresyong kumakatawan sa pagkatao ng sinuman sa atin. malamang sa una, ayaw mo pa dahil gusto mo munang pagbigyan ang iyong sarili sa kawalan nito ng pahinga mula sa isang magulong mundo sa isang kahapon. parang ganun din siguro sa mga problema, parang hindi tayo makabangon dahil sa pagod na binigay nito sa sistema ng ating katawan. tila ba'y parang wala nang bukas matapos mangyari ang isang unos.
o dili naman kaya kung tayo's sadyang tinatamad lamang. ayaw harapin kung anuman ang binigay ng tadhana o ng buhay para sa ating lahat. isang makamundong hangarin. pagmamaramot ng sarili upang mapanatili nito ang pangkasalukuyang kalagayan.
o kaya nama'y sadyang wala lamang, tila isang desisyon upang maging payapa lamang ng kahit pansamantala ang sistema sa limitadong panahon. isang desisyong walang pangmatagalang bisa.
ano kaya ang naging rutang pinili ko? maaari bang mapagod habang nagpapahinga, o nakakapagpahinga habang napapagod. marahil walang lohika. pero para sa akin, isa lamang ang kabuluhan ng nabanggit na ekspresyon - desisyon sa paggamit ng ating oras.
mababatid nating ang oras ay isa sa mga pinakamahalagang elemento ng buhay, at ito'y hindi natin dapat sayangin, kung hindi, may posibilidad na mawala ang ating pinaghirapan, o wala na tayong rason upang maghirap pa. kahit ano pa man doon, kelangan nating pangalagaan ang oras, dahil maaari itong manakaw sa atin.
at yun marahil ang hindi ko nagawa. hinayaan ko ang sarili kong magpakalunod sa kung ano man ang naranasan ko, problema o kasiyahan. dapat alam natin kung paano tayo gumamit ng oras, para sa pagtulog, hindi na natin hanapin ang pahinga, at bagkus, bumangon para sa isang panibagong buhay. sana, maging leksyon sa akin ang mga nangyari sa nakaraan, para magampanan ko nang mabuti ang aking responsibilidad sa pag-iingat sa aking oras. tuloy, nawala na ang aking panahon para sa mga taong gustong-gusto kong paglaanan nito, at kahit kailan, hindi ko na iyon makakamtan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home