ako at ang sarili kong mundo

Monday, August 21, 2006

sana...

hindi ako mapangmata at hindi ako sanay na minamata. kasi masakit parehong masituate sa parehong sitwaston na yun.

ano ba talaga ang problema? minsan kasi nasa tao talaga. kung nakikita mong mas magaling ka, nakikita mo ang kabuktutan nila.kung mas marami naman ang mas magaling sa iyo, ikaw naman ang mapupunta sa side ng so-called "underdogs". ang maganda sa kuwentong ito ay pareho na akong napunta sa ganung mundo... at feeling ko, kaya ko namang mag-conclude.

sa hs kasi, pangit talaga ang sistema. hindi tulad sa science schools na alam nila ang math and science ng mabuti, sa exclusive at yung mga tipong montessori ay magagaling sa literature and arts, even sa social sciences, ang school ko, ay well, very low ang standards. however, masaya ako dahil dun ako nanggaling, sobrang ang saya ng hs life. tuwing nagmamath kami, gusto ko wag nang ibalik ang topics, kasi malulugi kami pagdating sa huli (though di dept.mental ang exam dahil 1 lang section namin), at dahil pagdating sa college, baka magulantang kami. and so did it happened. some of my classmates barely passed the simple college algebra from their respective schools, some failed, and I, with Rhodora, became disqualified sa honors... we dropped math 17, na "standardized" algeb and trigo... we were so shocked and worried the first time we saw the "real math". biro mo, hermo na, wala pa kaming tamang background sa math? comeon...

ayun nga. kaya sobra yung pagsisikap ko sa sembreak. buti natabi kong lahat ang math reviewers. nagsanay ako until 2nd sem, i got a shocking 1.75 sa math 17. then 2.5 sa calculus (dahil 7 am yun at bulacan pa ako, hindi ako sanay. haha. tsaka summer, ang bilis, at dahil wla din akong alam sa calculus noh?) ayun.

then naging baa na ako. ako nalang ang tumuloy sa 4 na nagbalak (norlyn, mae, ako at c rhoda). though c mae talaga ang may potential, pang-baa talaga ang dunong niya. imagine, summa standing pa din siya hanggang ngayon? at hindi umaalis sa 1-1.1 range ang gwa niya every sem!!! haha...

feeling ko, kaya sobrang nanibago ako nuon, dahil hindi kami sinanay na tumayong mag-isa nung hs. kahit pinipilit kong umalis sa ganung sistema, hindi pa din, dahil ang mga dapat gumabay sa amin, hindi nagampanan ng maayos ang responsibilidad nila.

ngayon, asa feu na ako. hindi ako naggegeneralize. siguro dahil free block ako at irreg ang mga kasama, mga old returning kumbaga. nakikita ko ang kalagayan ko sa kanila dati, yung tipong hindi makawala sa ganung sistema sa kanilang pagkatao. at sana mawaglit na sa kanila yun.

minsan tuloy, naiisip ko, nasa tao talaga e. kung nagtransfer na lang ako, nung elem pa, sana di ganito. nasa toot pa din ako at minamahal ang mga toot friends at JPIA. sana andun pa ako...

ngayon, alam niyo na... hindi sa binababa ko ang tingin ko sa sarili ko, pero yun talaga. at ngayon, parang lumelevel ako ulet... hahahahaha (go summa!!!!)

bye...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home