ako at ang sarili kong mundo

Wednesday, August 02, 2006

wala lang...

Marami akong napagisip-isip... Paano kung hindi ako makuha sa scholarship... sabi kasi ng friend ni Apple, more likely than not, hindi nakukuha ang transferees sa Academic scholarship, pero I'm hoping talaga, wala kasi kaming pera this year. Buwiset. Isa pa yung tungkol sa kapatid ko, unfair for him dahil lang sa akin, e vocational course ang kukunin niya, kaya kailangan, umiyak ako sa admin para i-grant sa akin, if ever na makuha yung scholarship. At yung Metrobank din, para baon na lang ang gastos, o diba?

Isa pa, yung mama ko... wala na siyang tulog dahil kelangang magproduce ng pera... I worry about her health. Lord, please ingatan niyo po si Mama...

Ayun, at sikret na yung isa... basta....

Anyway, 73 ako sa 1st exam sa law, at nakakainis ang phrase na "at once", dahil nga sabi ko sa inyo, 55 minutes lang ang dapat na 1.5 hours, minadali ko ang mga subquestions... mula no.3-5. Ayun, yung 4/5 subquestions ng number 4 na worth 4 pts each, di ko nalagyan ng at once... pakshet!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! -10 percent ako, meaning, dapat 83=2.. ang 73 ata ay 5... shet... grabe ang system ng grade, dapat mga 2.5 yan. Pero happy ako dahil 2 weeks akong wala sa class at I'm one of those with high scores (may ibang 57)... o diba, hindi dahil lumiban ako, alam niyo na (late enrollment at diarrhea)... Babawi ako... keser until finals na ito...

Here comes the GC mode in my system na... shet!!!! iniwan na kita sa baul... hahaha =p


0 Comments:

Post a Comment

<< Home