Why I love coming back
Ang entry na ito ay inspired by Jay Jay Perlado, former President ng JPIA.
Hindi talaga ako social person. Never akong umaattend ng mga social gatherings, kahit nga ata clan gatherings, hindi ko na-appreciate. Siguro dahil masyado akong nakulong sa aking so-called "protective bubble" at tsaka may natitira pa sa aking kahihiyan (akalain mo). Pero I never thought that during my sophomore year, may magbabago noon. At yun ay ang JPIA.
Siguro marahil ang iba sa inyong nakakabasa ay madalas puro JPIA at buhay ang aking nilalagay sa blog. Dahil ang JPIA talaga ay isang bahagi ng aking buhay na hindi ko maiwawaglit. Kasi sobrang blessed ako dahil for once, naging vocal ako sa mga nararamdaman ko at natuto akong makibagay (na never kong ginawa sa tanan ng buhay ko) sa mga tao. May iba ding nagsasabing hindi malinaw kung sino yung pinagsisilbihan mo, kung yung organisasyon ba, mga tao (members at mga beneficiaries, i.e, future scholars ng LEAP, mga Botocan kids, underpriveleged students, BSA students, etc). Pero ito lang ang masasabi ko, wala akong pakialam. Hindi mahalaga sa akin kung sino yung direktang nakikinabang sa pawis na nilalabas ko tuwing may ine-exert akong effort para sa isang aktibidad; ang importante, somewhere, sometime, may makikinabang sa aking paghihirap. Oo nga't bilang isang akademikong organisasyon dapat nakatuon ang JPIA sa mga akademikong aktibidad ng miyembro nito, ngunit para sa akin, ang kabuuang pagbabago at paghubog sa kanilang pagkatao ang dapat na gawing thrust ng JPIA. At iyon ang aming ginagawa at pinaninindigan.
Isa sa mga rason kung bakit gustong-gusto kong bumalik ng JPIA ay dahil sa mga tao. Never akong matagal na nagtatagal sa isang lugar. Pero kapag nasa tambayan ka na, ibang kaso na. Dito talaga ako nakaramdam ng bahay sa labas ng tahanan. Ang saya. Shet. Kaya nga ngayon, nakakalungkot mang isipin, wala na ako sa bahay na yun. Pero I'll be keeping the fun memories that I have experienced forever.
Pangalawang reason kung bakit ay nagkakaroon ako ng time para sa sarili ko. Sa bahay, parang limited siya kasi ang daming tao. Kahit madaming tao sa JPIA, parang wala lang, it's your life. Hindi tulad sa ibang lugar na dapat matuto kang maging composed, sa bahay na matuto kang sumunod, sa tambayan, nawala na lahat ng limits na yun, I became myself, kahit may iba't-ibang tao pa din. That's why I love coming back.
HULI sa lahat, kung bakit gustong-gusto kong balik-balikan, ay dahil sa pakiramdam ng kasiyahan. Ibang klase sa JPIA. Kahit sinong JPIAn ang tanungin mo, ang saya sa organisasyong ito. Haller, Hall of Famer? Yung iba nga e, when there's a commitment from some other entities, they would prefer JPIA. Kaya nga love ko to e, maraming taong devoted. :))
Ikaw JPIAn, sana you love coming back. :)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home