ako at ang sarili kong mundo

Monday, June 25, 2007

Hay...

Hindi ko alam, pero bakit may mga taong feeling mo may halaga ka sa kanila pero wala pala? Parang feeling ko tuloy ako lang yung nag-invest emotionally. Ewan, pero sa karamihan ng "inaakala" kong kaibigan ko, ganun yung nararamdaman ko sa kanila. Na parang nag-eexist lang ako sa kanila kung may kailangan sila sa akin, or kung may natext ako sa kanila... after that, wala na... I'm merely a tangible entity to them na parang andiyan lang at tintireat with indifference...

Or maybe ako lang yung ganung mag-isip? Or busy lang sila with their own hectic lives... Pero kahit na, parang feeling ko tuloy since wala na akong appearance sa mga eyes nila I was just treated like a memory in the pensieve na you'll look if you want to recall something... in other words, pag naalala lang..

Hindi naman ako galit, it's just my observation that some people continue to "move on" with their lives and fulfill whatever they want to do, and ika nga nila, set their feet to the journey they want to take... naks keser...

But I miss those people, I miss everything in them. And I still love them.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home