ako at ang sarili kong mundo

Wednesday, June 13, 2007

Musta naman?

Musta naman? Ngayon lang ako ulit nakapag-blog ah... hahaha... Ayun, nagstart na ang classes sa FEU. Medyo nakakapanibago kasi BSA na ako (yuck, ang yabang, hahaha =p). Everyday ang klase, musta naman to the disjunct schedule? Hahaha... Dahil June 12 and pasukan at independence day, expected nang super trapik ang mangyayari. What? Super trapik talaga... As in 6:45 na ako umalis ng bahay niyan ha, tapos 10:30 ako nakarating... wahaha... Sakto nga e, pagdating ko paalis na sila Tere, Fatima, Marian at Suzainne (BSA na din ang mga adik)... Tinawanan nila ako. Kaya we'ver decided na lang na manuod ng sine since wala pa naman kaming treat sa sarili namin for passing the qualifying exam. Ayun, nanuod kami ng MR. BEAN'S HOLIDAY. Ok lang, kaso hindi siya yung simultaneous tawa...feeling ko nga yung may "tunay na sense of humor" lang yung matatawa e... wahaha...

Tapos nung wednesday super mega break ako, 4.5 hours!!!! kaya super tambay kung saan-saan... miserableng buhay ;p. ayun, nag-elib ako for the first time... sinusulit ko nga yung 12 hours per sem na ito... sayang ang miscellaneous fee diba?

Ngayon na-meet na namen Accounting 3J03 (Partnership and Corporation Accounting) prof namin... Ang bata tska ang ganda niya... ang unusual sa iniisip na super strikto looking na accounting prof diba? hehehe... super swerte na kaya dis sem? Gusto ko na kasing pumasok sa honors class e, gusto kong maging section 1. hahaha =p

Ayun, I've also asked sa OSACS kung may scholarship na available.. wala pa din daw... huhuhu ;(

Sana swertehin ako dis sem! May marketing na din pala ako... kung sino man ang may KOTLER, Principles of Marketing pahiram na lang... wala kasi akong pera e, mahal pa ng tuition fee =p.

O sha, mega-research pa kami sa isang subject ko, sana maging maganda ang sem nating lahat!!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home