ako at ang sarili kong mundo

Wednesday, May 31, 2006

ON HIATUS!

I will renovate my blog... matatagalan pa siguro bago ako magpost, okei? thanks... ;)

Wednesday, May 24, 2006

Wednesday is a lonely day...


Yehes, napapadalas ang entry ko... hehe... Ito, dahil nga lilipat na ako ng school, kelangan maghabol ng papers. Okay, umalis ako ng maaga sa bahay! Kamusta naman, 9 palang ata, nasa UP na ko. So ako, dahil mahal ang JPIA, sumilip sa FOPC at tumingin kung may familiar faces na nandun. OK. Jonalyne at Baj lang ang nandun, so nasan si ******? Kamusta ka naman diba? Yuck, baka may something lang siya at di ko siya nakita, or nasa taas siya (4th floor). Ayun. So, ako naman, nagulat at may instant request si LE BAJ (Baj, obviously). Sabi niya, pwede daw bang maging counter ako... so huminde naman ako dahil nga inaayos ko ang papers ko... Sori Jonz at Baj, kelangan ito muna ang aasikasuhin ko...

So, baba naman ako at pumunta sa CBA, to again, see some familiar faces. Pero wala. Hindi pa naman kasi nagsisimula ang 99.2 exam. So dumiretso naman ako sa PNB para magbayad. Pagdating ko, sabi ko sa sarili ko, Yehes! walang tao, walang hassle at leche na pila... hahaha... anyhoo, diretso ako sa cashier... at sinabi kong magbabayad for student clearance. But no! Sabi niya pang-graduate daw nakuha ko... sige... tapos alis naman ako at dumiretso ng SC kasi feel kong maghanap ng lyrics.. OK, Para sa Masa ng Eheads, Anything For You ni Nina, Slide ng Goo Goo Dolls at Everything You Want ng Vertical Horizon... So diretso OUR, then kamusta!Kelangan pa palang ipa-clear dahil enrolled daw ako this summer. So puntang Main Lib, dahil kelangan... Shet! Di pa daw pwede, dahil sarado BA lib ngayon... Shet, sana kahapon pa pala... So biguang puso, kumain ako ng baked mac sa CASAA at uminom ng C2. Diretso sa CBA dahil manunuod kaming tatlo (shet, kaming tatlo lang!) ng XMEN3:The last Stand... Yooon... Galing ng friendships...

Pinayagan ako ni Ate Nelia na umakyat sa tambayan dahil sabi ko,magrereminisce lang ako ng aking JPIA something... Pagdating ko sa taas, diretso sulat sa logbook, pinag-ookray mga entries ni *toot* dahil nga naiinis ako sa kanya... Ayun... So baba after that then, naghintay hanggang 1 for Micha dahil sa 99.2.

Then umulan, ano to, sign? Haha... =p Na baka hindi tumuloy... Hay... Basta...

Ayun, so hinintay ko nga si Micha... dumating si Garma at nagbabye na sa 99.2. Kamusta ka! Yay! So, baka maka-2 pa daw siya! yabang talaga... anyway, pagbigyan, VP for Liaisons e... Then dumating si Sani, pasok daw siya! Yes, congrats... then umakyat ako, di pa din tapos, baba ulit... kapagod lyf ko noh?

Then, bumaba ako ulit, naghihintay kay Micha at kay Archie... Yes, bumaba na si Micha with KC, tinanung kung tuloy pa daw, tuloy pa naman, so go na... nagbabay kami with sani at uuwi na siyang Bulacan... Then, SM north na! Woohoo....

Pag-alis ni Sani, nakita namin si Archie, haha... tapos, we decided na kain lang muna kami kasi 3:10 pa showing, e past 2 pa lang ata... so yun... Nagshare kami ni Micha sa Sumo Beef Misono, di na kumain si Archie dahil kumain na daw siya sa bahay! Yehes, diet? then, nanuod na kami, nag-insist si Archie, na mag deluxe kami, so yun, pinasubsidize namin ni Micha yung 20 php namin... haha.. pumayag naman ang loko.... hehe

Nanuod na kami, then,exag... lupet ng effects.. basta, para sa kin, may meaning ang Xmen, if you have the chance, give it all, give everything you can possibly give...narealize ko, at napatanung ako, did i gave my best to stay, given the constraints i have? i answered, maybe? gago noh?

ayun, after that, nagbonding yosi yosi si archie, e di ako yosi boy e... naglaro kami ng Pants, at mas nakakagulat pa siya kesa sa Xmen 3 effects... at yun, nagkwento about life kaming 3, at pinagusapan mga tao, haha...

then, umuwi na, hanggang ito, nagboblog na...

P.S. Sayang wala kayo... sayang. baka kasi di na maulit ito, given na di nako UP next sem.. pero okei lang, kung ayaw niyo lang, ok lang din... kung ayaw niyo kong makita, ok lang din. kung busy kayo ok lang din... Basta OK lang, OK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Haha, labo..


Friday, May 19, 2006

From being a Joshua to our Dung


Naalala ko nung Stat 101 days pa natin, sobrang patawa ka... Cleiza introduced you to me... Dahil sa BacBacan epek. Sobrang di ko kilala mga JPIA apps nun... waah...anyway, di lang naman sa Stat kita namimit e... Kagroup pa kita sa apps outing with Jonz, Charm and Mark. Sobrang nagulat kami at nadulas ka nung naglaro tayo ng monkey-monkey anabelle-anabelle. Nagalit pa si Garma dahil ginamit mo yung t-shirt nia.

Then naging kalbo ka... Sobrang kamusta ka? Gumawa ka ng eksena sa challenge night... Sobrang natuwa kami dun. Tinext mo ko kinabukasan at nagpapatulong sa Stat 101. Naglakad pa tayo papuntang SAG Welcome for freshies. Hay....

Then INduction Ball. Yehes... Grumaduate tayo sa pagiging apps. Sumayaw pa tayo ng Pinoy Ako...Pishur pishur affax ulit. Saya natin nun.

Tapos 2nd sem na...magkaklase pala tayo sa 181. Tapos yung BacBacan 2 practices na inuubos yung energy natin. Tapos yung mismong BACBACAN na... Shet ang saya... Tapos yung pag-iingay natin sa tambayan... bridge and logbook... Tapos yung hindi natuloy na pagpunta natin sa SM NOrth dahil lang masakyan... :) Tapos yung Elevate naman after JPIAweek...pinaglaruan natin nila Kuya Jayjay yung malaking Screen sa Elevate. Tapos 2nd place pa tayo...

Tapos nag-RVC exam pa tayo. Bagsak naman... Leche. Tapos 99.2 results mo. 2.25 si Mark at di tayo masyado masaya sa SM North dahil dun....kinabukasan planning sem... nung third day, iyakan blues... nagbuhos ako ng nararamdaman at na-guilty ka. Sori... Nagpapikshur pa tayong lahat... Tapos huling pagkikita na natin nun.

At ngayong wala ka na, hindi alam, kung san magsisimula. Ang ngayon, bukas, kailanman, nagiba... wala nang bukas... HIndi... May bukas pa... Ang pagkikita-kita nating lahat. Ipangako mong tutuparin mo ang sinabi mo sa akin kagabi... na magkikita-kita pa tayo. :)

Dung, alam ko hindi pa tayo katindi ang closeness, pero mahirap kang kalimutan... Pare, ingat ka, at sana masaya ka diyan... :)

Thursday, May 18, 2006



How to make a Arcadio I. Macaldo
Ingredients:

5 parts mercy

1 part crazyiness

5 parts leadership
Method:
Combine in a tall glass half filled with crushed ice. Add a little wisdom if desired!

hayy...

nalulungkot lang ako... wag niyo nang pansinin...


parang minsan, gusto ko na lang matulog at kalimutan ang lahat, parang wala na akong nakilalang tao. para at least, magpaalam man ako, wala akong taong maaalala at magbibigay sa akin ng kalungkutan.. :(

Monday, May 15, 2006

Signs


I watched yesterday this entertainment show sa DOS wherein a celebrity guest stated of signs. I said to my highschool friends that she just believes on a superstition that sometimes, fail. Well, I just thought of having my sign... to keep the subtlety of my so-called "sign", I'm just gonna say it as toot...hahahaha...

I texted Jill to accompany me in calling my prof. After her forever wait for me in the FOPC tambay, she accompanied me in the different phonebooths in Vinzons. Unfortunately, the phonebooths are out of service. I told her, "destiny"? It seems my chance of staying haven't passed the 1st stage. After the endless tries in the phone booths, even in CBA, Jill bade goodbye, for she's to study for her accounting exam on Friday... Toot again.

I went to SC in an attempt to call my professor. Unfortunately, he's not home, he's out of the country. OK, so tadhana ba talaga ito? I begged for the one I conversed with to give his email address, unfortunately, he doesn't know my professor's email address. I begged again to remember and gave him my reason for calling, he stressed that Mr **** won't change his mind regarding my grade, for he already submitted it already to the administration. After an expected hope to arrive, I left SC with a broken heart.

It is final. Yes, I will be leaving UP. After the previous entry "Pamamaalam", the goodbye is very confirmed now. Again. I want to thank all the people who have made my JPIA and UP life memorable and wonderful.. Thanks for everything. It seemed that signs, after all, trigger not only possibilities, but probabilities. Haha...

P.S.: Last day na ng FOPC tambay. Hay, nakakatampo lang yung ibang tao. Buti pa mga alumni supportive. Albeit naiintindihan ko naman na mabilis ang pacing ng summer and all, and you need to study, sana kahit HA or HO, nasabi niyo lang. For the record, I have attended all the tambay days. Still I passed two Psych exams without studying and finished my exercises and report in Socio. Nag-aral nga kayo e, imposible namang hindi kayo pumasa. Buti kung accounting yan, kahit wag na kayo tumambay. Hehe... For the freshies din ito e, para ma-feel nila yung warmth na pinaramdam sa atin ng JPIA. Ayun. Ayokong mag-mention ng name, pero sige na nga. Si Jonz nga, kahit haggard na as FOPC eb, she can still study. Kayo ba? Yuck, nagtatampo lang, kasi, aalis na ko... Gusto ko man lang kayo makita for my last official week here in UP. Yun lang. Mas matatalino pa nga kayo sa akin, kung tutuusin nga ako pa ang underdog...

P.S.S.:di ako galit, nagtatampo lang... :) Godbless!

Friday, May 12, 2006

Para sa Masa


Para Sa Masa
Eraserheads

Ito ay para sa mga masa
Sa lahat ng nawalan ng pag-asa
Sa lahat ng ng aming nakasama
Sa lahat ng hirap at pagdurusa

Naaalala nito pa ba
Binigyan namin kayo ng ligaya

Ilang taon na ring lumipas
Mga kulay ng mundo ay kumupas
Marami na rin ang mga pagbabago
Di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang

Mapapatawad mo ba ako
Kung hindi ko sinunod ang gusto mo

La la la la la la la la. . . . . .

Pinilit kong iahon ka
Ngunit ayaw mo namang sumama

Ito ay para sa mga masa
Sa lahat ng binaon ng sistema
Sa lahat ng aming nakabarkada
Sa lahat ng mahilig sa labsong at drama

Sa lahat ng di marunong bumasa
Sa lahat ng may problema sa skwela
Sa lahat ng fans ni sharon cuneta
Sa lahat ng may problema sa pera

Sa lahat ng masa
Huwag mong hayaang ganito
Bigyan ang sarili ng respeto

Para sa masa ng JPIA!

Wednesday, May 10, 2006

Pamamaalam

Kung ang buhay ay parang isang bituin, maaaring ang akin ay dumaan sa panibagong stage ng life. Kaka-18 ko lang kahapon at para bang wala namang masyadong pinagbago... siguro dahil, masyado lang komplikado ang mga bagay-bagay sa buhay-buhay. Kahapon lamang nalaman ko ang magbibigay-hustisya sa aking desisyon... ang aking pamamaalam.Naging mala-roller coaster ride ang buhay UP ko. Di ko akalaing samu't-saring emosyon ang aking naramdaman nung ako'y nag-aral sa unibersidad na ito. Grabe. From being a stupid freshie who didn't know what his block name was, shifted to a tough course, joined a crazy organization, met new crazy and wonderful people, obtained new purposes in life, faced different obstacles (failed to some), and now, the once stupid freshie, makes a stupid goodbye... to his crazy world and crazy life.Nagpapasalamat ako unang-una sa Diyos, dahil binigyan niya ako ng pagkakataong makapag-aral sa de-kalibreng unibersidad. Dito ko natagpuan lahat ng taong humubog sa aking pagkatao ngayon. Salamat. Kahit hinarap ko ang ilang unos, at least buhay pa naman, haha...

Pangalawa, sa aking mga freshie friends: AJ, Lia, Norlyn, Mae, Rolyn, RHonda, Patricia, Emma, Kristel, Irish, charlotte, Cheng, Ria, Sheillette, Cocoy, Kareen, Aelle, Joan, Lovelyn, Dolores, Jeejay, Jolene, Nikka, Kezia, Aya, Dyan, Karlo, atbp. Salamat sa mga tawanan, kulitan, pagtambay sa CASAA minsan. Kahit parang sauna bath dun, at least nakakapagkwentuhan tayo ng walang alinlangan. Salamat sa mga kagaguhan at paghihimutok sa mga prof... Alam ko siraulo ako...wahaha.Sunod naman sa mga CBA friends, yes! Bumi-BA daw. Si Toni, Kim, Jem, Cara, KC, atbp. Salamat at kahit wala akong kaibigang taga-BA talaga, anjan kayo at nabulag makipag-kaibigan sa akin. Go groupmates in CWTS!

Ayoko talagang gawin na ito... ang sakit-sakit para sa akin, pero sige...SA JPIA, ang kauna-unahan at kahuli-hulihang organisasyong sinalihan ko. Salamat sa lahat ng mga tao:

EOS 47: Salamat sa pagkakataong binigay niyo sa akin upang patunayan ang aking mga kakayahan:

Kuya JayJay: El Presidente! sana mapatawad mo ko sa gagawin kong ito. Mahal ko ang JPIA, pero hanggang dito na lang talaga.
Kuya Mak: ang peyborit VP ko. Joke lang yung di kita peyborit. Gago ka kasi e. lagi mo kong pinapatawa. You made each one of us special, by being a special child, hehe, este pig, joke! Sori kung after you graduated, aalis na din ako... :(
Ate Iris: ang aking mahal na VP sa Exte. Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataong ipakita ang aking kakayahan. Naniwala ka sa akin, kahit ako'y hindi naniwala sa kung ano man ang meron ako. Sori at aalis ako sa Exte! Mahal na mahal ko ang Exte. Kinupkop nio ako kahit ganito ako...
Ate Aimee: Yes, ang pinakakorni na VP! JOke lang. Master, salamat sa mga hellweek wishes. Nabawasan yung pagiging mahiyain ko... Mejo loud na ko ngayon! Haha... Sori, nawala na yung pagiging JPIAN ko dahil sa akin din.
Ate Marj: Da strongest VP: figuratively and literally, hehe.. :) Ikaw talaga yung hinahangaan ko kapag mga complicated and stressful cases... Galing mo talaga! :))
Ate Crystle: Ang pinaka-pulang VP! Alam mo na yun. Sana, mapatawad mo ako sa pag-iwan ko sa JPIA.. humihingi ako ng sori talaga... :(
Ate OWen: Ang may eternal ang energy na VP! Sobrang cute na cute kami sayo sa mga hirit mo minsan. Ikaw yung kauna-unahang EO na nakita ko...since then, I wanna be a JPIAn!

Sa mga alumni:

Ange, atbp and pepper ANie,Nenok,.: Jenny Gaje, Rach, Mela, Buls, Roma: Sori kung binigo ko kayo dahil sa pag-alis ko na ito... Ipinapangako ko namang, mamahalin ko ang JPIA, katulad ng pagmamahal nio dito. Pangako!
Ate Nhey, ang chicken little ng JPIA. salamat sa Ultimate Bonding experience sa SM north. sobrang nanghihinayang ako at nung mag-eend lang ng 2nd tayo naging close... sori din at iiwanan ko na ang JPIA.
Kuya Jan, Elay, Nellie, GIlda! Exte pipol... patawarin nio ko at iiwanan ko ang exte at jpia... patawad!
Janrich, ang aking peyborit na JPIAn.sori at binigo kita sa desisyon kong ito....
Ate Jik (MATET): Sori kung binigo kita sa desisyong ito. Alam ko, nangako akong magpapaka-active forever epek sa JPIA. Pero binigo kita. Sori Sponsor... patawarin mo ko...

EOS 48: Patawarin nio kong lahat:(payagan nio kong mag-planning sem ha!)
Roger: beloved chair and president... patawarin mo ko at aalis na ko ng JPIA. kahit kelan, hindi ako nagduda sa kakayahan mo..slamat sa lahat... sori talaga.
Richard:Yes! nagsasalita na... Sori kung aalis din ako at iiwan ko JPIA...mapatawad mo sana ako...
Manu: Sori kung nung EB application ay ininjan kita... patawad at aalis ako ng JPIA..pero may tiwala ako sa kakayahan niong lahat!
Lawrence:Sori kung aalis ako ha..salamat sa pangchochola sakin nung planning sem at mga makabuluhan at di-makabuluhang mga salita... sobrang salamat
Kristy:ang malupet na VP at oble pa!C'mon? sobrang salamat sa pagiging kausap minsan at pagchola sa kin... Walanghiya ka! Joke lang... patawad at aalis na ko ng JPIA.
Garma:ang extrovert at cliquish na VP ng Liaisons... joke lang... sobrang mamimiss ko yung mga hirit mo at alam kong magagalit ka sa pag-alis mo... hayaan mo, ipagdadasal ko ang pagbalik ni JOSH. Alam mong di ako nagduda sa desisyon mo kahit nahuli ang pagtakbo mo... ok lang yan... galingan nio sa BACBACAN at ELEVATE ha! :)
Janno:sori... sori... sori... iiwanan ko na ang exte... patawarin mo ako... sobrang gusto kitang makatrabaho... dahil mahal ko talaga ang exte... sori at iniwan ko kayo sa ere.... Kelanman, di ako nagduda sa yo... wala akong pakialam sa mga ngwa mo nun, ang importante, handa kang maglingkod... sobrang humihingi ako ng patawad.

JUNIORS and TERMINALS:
Joyce, JOvanne, Marves, Berna, Steph, Vincent, Jeona, Abby Wu,Pete, Pinky, Maila, Star at Baj:dami nio, shet... Sobrang patawad at aalis na ko... sobrang pasalamt ako at inalalayan nio kami sa JPIA... LIca, chola ka...salamat sa pakikinig sa problema ko... cno b crush mo? HUmihingi din ako ng sori.. dahil sa mga nasabi ko nung planning sem... sori at aalis nko ng JPIA... mahal ko kayong lahat..
Terminals, KC tanda, Chad, JB, Eric, Trek, Lotte, others:salamat sa pagiging mga KUya, at ATE... Pasensya na kung sa ganitong uri ako magpapaalam... patawarin nio ko...

BATCHMATES: ang sakit para sa akin...sobrang hirap...with jaz 1 yr ng pagsma-sma, sa gn2 lng mgttpos, alagaan nio JPIA ha!:)

Cleiza, Lyn, Brad, Charis, Acris, Ria, Lloyd, Lavinia, Sarah, Romina, Ailene, presto, Aica, RJ others:paka-active kayo ha...sarap maging JPIAn... sori at iiwanan ko kayo ng ganito lamang...
Marlowe, Kat M, Genesis, Nikki, Jed:mga oble ng batch... humahanga ako sa inyo... you've taken d chlnge..genesis, magpaka-actib ka nga...para sa akin...sori at iiwanan ko kayo ng ganito... mahalin nio ang JPIA...Jed salamat sa pakikinig sa lahat ng problema ko... sobrang iba ka talga! mahal ko ang JPIA, mahalin niyo ha! :)
Hazel, Stan,Sani, MIlcah, OLiver, Kaye, Jen,MJ, ANbu:salamat sa JPIA memories,sobrang nagpapasalamat ako at nakilala ko kayong lahat... active kayo dapat ha!
JIll de Dumo:thnks for the frendship...salamat sa lahat ha, kahit ganito ako, natanggap mo... sori at iiwanan ko kayo sa JPIA ng ganun lamang.

Yes, D2 and hyperlinks gang: JOnz, Joshua,Archie, MarkB.,Leo,Micha,Charm,Anna,Jean, KC, sino pa ba?

Jonz, salmat sa pagiging Enerva girl... lupet mo... ingatan mo ang JPIA!Kapag dumating ang future, VP ka ha! haha...
Josh, Balik ka na... Kelangn bumalik ka, madaming naghihintay sa yo...
Archie, kagulat ka,may somtng k pla e... salamt sa pangbabara at pagiging conscious whenever you do it... hahaha
Micha, ang overall extra-curricular activities girl... ingatan mo ang exte ha!mahal ko kayong lahat!
Charm, beauty and brains.. yes... paka-active ha
KC, mga lashu mo ko dear lines mo,, pagpatuloy mo. para yung mga apps, maging at home, katulad nating lahat!
Jean and Anna, da inseparable pair: lagi nio kong pinapahanga on how you balance things. grabe.. mahalin nio ang jpia ha!
Leo, galingan mo na ha!pilitin mong mag4yrs ha!
Mark B., the stocky guy... kahit binabara mo ko, leche ka! joke....nagpapasalamat ako at napakafrendly mo..alagaan mo sana ang mga kaibigan natin at ang JPIA...VP ka ha...yikee...sori sa planning sem at sa mga sinabi ko non...masyado lang akong nadala.. iiwanan ko kayo ng ganito lang, patawarin nio sana ako...

batchmates, tayo ang mag-aalaga sa JPIA!mahalin natin ang JPIa, dhl minahal tayo nito. wag kayong mag-eb dahil napipilitan kayo or wat (including dahil sa aking posibilidad na pag-alis), kundi dahil gusto nio magserve.

Exte pips, (jimson,addie,cy,dk,boiboi,jhoa,rj,joan,ray,yem)pangako!babalik ako!

bye JPIA...mahal na mahal na kita!

Sunday, May 07, 2006

Its so-called official


Waah, can't put here the details, but I hope this entry makes sense...

Thanks guys for everything... YOu made me a better person. When there are times lethargy permeates my systems, you are always there to resucitate my dull feelings. You helped me to realize how wonderful it is to look forward in each morning... I hope you all give more smile to more people...coz I know you all can do it.

THanks for everything... Salamat talaga... Kahit man lamang dito ay makapagpahayag ako ng aking damdamin...

Thursday, May 04, 2006

Split second thoughts while daydreaming on a hot day in summer...

What if you only have 2 weeks to live? What if you only have 2 weeks to cherish everything that you have?What if you only have 2 weeks to enjoy your loved ones' company? WHat if you have only 2 weeks to share your life with your closest friends? What if you only have 2 weeks to dream? What if you only have 2 weeks to enjoy your fantasies, your favorite TV shows and even your meal? What if this thought will be only repeated (if you want) for only two weeks?

What if?

What if you only have 2 weeks to listen to your favorite music? What if you only have 2 weeks to endure the academic stress in your college life? What if you only have 2 weeks to watch, to be left behind while you are walking with your friends after watching/eating your favorite meals? What if you only have 2 weeks of secretly admiring the person you love? What if?

What if?...you only have 2 weeks to decide for your life and to say goodbye?