ako at ang sarili kong mundo

Wednesday, July 26, 2006

Ano nga ba ang talagang nangyayari sa akin

I'm an entity that is inconsistent... pwede sigurong isa akong tubig....

dahil minsan lumilipad ako sa taas... sa sarili kong mundo... at bumabagsak nang malubha.

dahil may nagpapabagsak sa akin...

ewan... hala.. minsan, naiisip kong burahin ang blog ko...

tama na, wala ako sa mood magshare... nagyym ako

Saturday, July 22, 2006

Humahaggard din naman ako...

Hay nako, kakatapos lang ng aking eksamen sa 7 subjects, 3 kahapon at 4 ngayon. OK lang siya in general, kaso nga lang, nakakapagod at nag-adjust ako sa maraming bagay: una, time-pressured ng sobra-sobra. Sa UP kasi, thru acctg exams, parang sanay akong 3 hours ang exam, kamusta ngayon? 1 hour lang ang Oblicon... shet, mindali ko tuloy yung about sa forfeit ng isang obligation, basta, yun na yun... Grabe. Actually, ang nagpahirap lang sa akin ay ang law, talaga.. dahil sa oras na yun. I could answer yun ng sobrang ayos within 1.5 hours na regular time kaso pasaway ang prof e, ganun talaga. =)

Sana ayos ang prelims, para may investment na ako sa grade. Nanghihinayang lang ako sa Math dahil sa 50% na assignment (remember, nagka-diarrhea ako?). Dahil mahigpit si teacher, hindi ako binigyan ng konsiderasyon whether mamatay ka na... Tuloy, di na uno ang standing ko sa prelims.... Sadness... Napunta kasi yung plus points ko sa quiz na absent ako dahil sa diarrhea ko... Oh yes, diba, two birds in one stone? Haha... =p

87 ata ang grade ko, if ever, mga 1.25/1.5... at nakakahiya... uno na naging bato pa... buwisit...

HIndi na ako pupunta sa BACBACAN for the sake of letting go... pero hindi ako bitter, magpapahinga na lang ako... nahaggard ako sa lecheng exam, 4 in a row, kamusta? I miss the UP system talaga, everything... yung tipong walang pakialamanan, free-zone from the systematic homeroom approaches (class officers), basta, madami pa... What i really like ay yung nawala na yung pagiging GC, competitive ko, at mas naintindihan kong, mas marami pang mahalaga than getting good grades... (JPIA insert here).

wala lang..sige, babu... back to school sa tuesday! :( results ng grades, everything... =p

Wednesday, July 19, 2006

pang-networx level ito!!!

"Kung ikaw ba naman ay bumabangon na diyan at tumatatayo na e di wala nang problema."- Nanay

ito siguro yung ekspresyon na bumabagay sa buhay nating lahat. yung parang ekspresyong kumakatawan sa pagkatao ng sinuman sa atin. malamang sa una, ayaw mo pa dahil gusto mo munang pagbigyan ang iyong sarili sa kawalan nito ng pahinga mula sa isang magulong mundo sa isang kahapon. parang ganun din siguro sa mga problema, parang hindi tayo makabangon dahil sa pagod na binigay nito sa sistema ng ating katawan. tila ba'y parang wala nang bukas matapos mangyari ang isang unos.

o dili naman kaya kung tayo's sadyang tinatamad lamang. ayaw harapin kung anuman ang binigay ng tadhana o ng buhay para sa ating lahat. isang makamundong hangarin. pagmamaramot ng sarili upang mapanatili nito ang pangkasalukuyang kalagayan.

o kaya nama'y sadyang wala lamang, tila isang desisyon upang maging payapa lamang ng kahit pansamantala ang sistema sa limitadong panahon. isang desisyong walang pangmatagalang bisa.

ano kaya ang naging rutang pinili ko? maaari bang mapagod habang nagpapahinga, o nakakapagpahinga habang napapagod. marahil walang lohika. pero para sa akin, isa lamang ang kabuluhan ng nabanggit na ekspresyon - desisyon sa paggamit ng ating oras.

mababatid nating ang oras ay isa sa mga pinakamahalagang elemento ng buhay, at ito'y hindi natin dapat sayangin, kung hindi, may posibilidad na mawala ang ating pinaghirapan, o wala na tayong rason upang maghirap pa. kahit ano pa man doon, kelangan nating pangalagaan ang oras, dahil maaari itong manakaw sa atin.

at yun marahil ang hindi ko nagawa. hinayaan ko ang sarili kong magpakalunod sa kung ano man ang naranasan ko, problema o kasiyahan. dapat alam natin kung paano tayo gumamit ng oras, para sa pagtulog, hindi na natin hanapin ang pahinga, at bagkus, bumangon para sa isang panibagong buhay. sana, maging leksyon sa akin ang mga nangyari sa nakaraan, para magampanan ko nang mabuti ang aking responsibilidad sa pag-iingat sa aking oras. tuloy, nawala na ang aking panahon para sa mga taong gustong-gusto kong paglaanan nito, at kahit kailan, hindi ko na iyon makakamtan.

Whew...

Hay, nakapagpost na din ako... Namiss ko na... =p parang kelan lang... baliw ka talaga...

updates!

* exam ko na sa friday at saturday! sana galingan ko. what i fear most is yung oblicon... karir ito, dahil 2 linggo akong wala!!! (not my negligence but the default of the institute).

* exam ngayong araw na ito ng 114 batchmates! go guys, i reiterate! I BELIEVE IN YOU!!!

* naiinis pa din ako sa pagiging antukin ko. sana matanggal na ito.

* dumalaw ako sa jpia tambayan. i met archie's and leo's sponsee na sina arithmetico at dreo, respectively.na-bitter tuloy ako, oh well. ganyan ang life. gusto kong mamit ang sponsee ni lica, ang unique ng name, choerleen... =)

* na-miss ko ang jpia, at parang gusto kong tumambay muli.

* nahihirapan na sa pag-uwian, kaya itatry at my very best na makuha ang scholarship.

* contented, but never happy. pwede ba yun? actually di ko alam ang nararamdaman ko.

* excited na ako sa fp launch (sana mapuntahan)... fp people, ill try my very best talaga.

* networx, o networx, inaabangan na kita... lica, you swore to give me one ha!

* magpupuyat mamaya for law, okei?=p

* may job na si jik! go sponsor! im so proud of you... =)

Friday, July 14, 2006

What Will Matter

Michael Josephson
Founder of the Josephson Institute of Ethics

Ready or not, some day it will all come to an end.
There will be no more sunrises, no minutes, hours or days.
All the things you collected, whether treasured or forgotten will pass to someone else.
Your wealth, fame and temporal power will shrivel to irrelevance.
It will not matter what you owned or what you were owed.
Your grudges, resentments, frustrations and jealousies will finally disappear.
So too, your hopes, ambitions, plans and to do lists will expire.
The wins and losses that once seemed so important will fade away.
It won't matter where you came from or what side of the tracks you lived on at the end.
It won't matter whether you were beautiful or brilliant.
Even your gender and skin color will be irrelevant.
So what will matter? How will the value of your days be measured?
What will matter is not what you bought but what you built,
not what you got but what you gave.
What will matter is not your success but your significance.
What will matter is not what you learned but what you taught.
What will matter is every act of integrity, compassion, courage, or sacrifice that enriched, empowered or encouraged others to emulate your example.
What will matter is not your competence but your character.
What will matter is not how many people you knew, but how many will feel a lasting loss when you're gone.
What will matter is not your memories but the memories that live in those who loved you.
What will matter is how long you will be remembered, by whom and for what.
Living a life that matters doesn't happen by accident.
It's not a matter of circumstance but of choice.
Choose to live a life that matters.

Hindi pala ako na-kaput

Hehe, akala ko na-kaput ako,haha... make-up quiz lang yun para sa mga mababang iskor, since 97 ang lolo mo (yehes! thanks to apple sa tawag), hindi ko na kailangan. Hindi naman ako nakikipagkompitensya dun sa Koreano kong kaklase kasi 1 lang talaga target ko, not the perfect score. :)

Ayun, nag-report ako sa History kanina, okay lang. Kinabahan ako dahil baka gisahin ako ng prof ko. Ok lang naman, kahit nagto-tongue twist ako kanina, haha... Kainis lang binara niya ko kanina, sabi niya, "encomienda is not just a division, its a right to bla bla bla..."... Ma'am. di pa po ako tapos, okei? =p

Naalala ko kagabi yung tinext ko kay Lica, wala lang. Madamot ba talaga ako?

Kahapon pala, pumunta akong UP. Nagbigay ng cheque sa UJF. Ayun, si Kristy lang ang nasa tambayan. Yun, nakakamiss silang lahat. Sobra... I love them so much. At bago na ang logbook, bibliya ito? haha... Sumulat ako, malamang... Yung "Will You Be my Friend" ni James Kavanaugh. Ayun, nagpaparinig... hehe..

Nakakainis ang mga kaklase ko sa Rizal, mga pakshet na mga cliquish. Kobrador sa kadayaan sa quiz. Kamusta, nagbubuklat ng notebook? Hahaha... =p

Sige, lumiban na ako ng law class kasi sobrang nahihilo na ako, nag-update lang ako... Magbabasa pa kasi ako mamaya e. Ciao! Go Exams week! =p

Wednesday, July 12, 2006

Na-Kaput ako

Shet, 2nd time ko nang ma-zero sa Math... Hindi kasi ako nakapasok kanina. May report ako sa History e since I have assumed na madali lang ang topic sa Math at walang gagawin, hindi na lang ako pumasok kanina. Hay, puyat na nga ako dahil 1pm na ko nakatulog, tapos ganito pa? Haha. Nagising ako ng 3:45 at sinagutan ang isang item na nakatulugan sa Nat Sci. Ayun, so keri lang at pumasok. Dumating ako sa FEU ng 6:30 am, at dali-daling gumawa ng report sa manila paper. After the class, diretso na ako sa computer shop to encode and print my report, then ipapa-xerox. Pakshet, inabot ako ng 1 oras dahil dun. Pina-xerox ko at hinanap ni Marycon, kagroup. Then, nung nagtext siya nasa Jollibee daw siya. So dali-dali na kong pumunta dun from the 5th floor ng Science building... Anyhoo, buti naalala ko, may nakakatuwang nangyari sa elevator. Nung binuksan ng elevator boy yung pintuan, then pumasok na kaming lahat, nasaraduhan siya!!!! hahahaha, kamusta, tanga ito? hehe...

Ayun, so minadali ko nga ang pagpunta sa Jollibee, dali-daling nagsulat sa manila paper. Kinakabahan din si Con dahil hindi pa niya masyadong naaaral yung report niya. Ako medyo naaral ko, pero di ko pa nasusulat, kamusta naman dun? Ayun, we decided na pumunta na lang sa room. Sa room, habang di pa dumadating si Ma'am, dali-dali kong tinapos yung report ko, then comes the big catch: SUSPENDED AND CLASSES! After the shitty panicking and di pagpasok sa Math for this, walang pasok? Ang laki ng sakripisyo ko. Yung 1st kaput ko ay dahil may diarrhea ako nung araw na yun, yung ngayon, dahil sa History report. Hay, Babawi ako sa exam, ang tanging dasal ko lang hindi sana ako careless. Sayang yung last quiz dahil 1 lang mali ko, giving me 97, which is sayang dahil so far perfect ako before that aforementioned quiz. Sana mataas as in MATAAS! ang makuha ko sa Math, and all subjects... GO Scholarship! Hahahaha... =p

Ayun, feeling ko, may natutunan ako dito, never forget to drink a coffee. Kung di sana ako nakatulog kaninang madaling-araw, e di sana 100 ulit, at hindi ako na-kaput. Hehe. =)

Tuesday, July 11, 2006

Kahit ganito lang ako busy pa din

Dahil nga sa medyo sort of highschool-ish orientation ng *toot* sa amin, medyo pa-easy easy ako nung una... mga tipong kahit barbs na ang insights ko e sige lang, total oo lang si mam, hehe... Ayun, Initially, I was getting so bored at my subjects, given that some of these were really the ones I have taken up sa UP. Lecheng IABF di pa crinedit. Kung crinedit lang sana ang Math 17 ko, e di sana magboboard exams sana ako (hopefully) by 2010! Shet... Anyway, tama na ang pagka-bitter. So yun nga. Medyo hs-ish... nakakainis kasi di naman ako sa ganung level. So yun.

But now, I do feel some pressures, especially sa Oblicon. Its not that nahihirapan akong intindihan ang mga concepts like negotiorum debito at force majeure, its just that 2 weeks akong absent dahil sa aking enrollment. Pakshet to that negative externality. I missed 20+ articles, and yet, 7 pa lang ang nababasa ko... Then nadagdagan pa ng mga 15 pa... that sums to 32 articles... Problema pa daw yung prof sabi ng ibang nakausap ko, dahil 3 or 5 lang biniibigay niya. Kamusta to the laude dreams? Nakakahiya kung hindi ako mag-laude, kelangan, para naman kung hindi na ako kunin ng nanay ko sa London, at least, mabango-bango naman ang resume ko, diba? Malay mo, kung papalarin, pumasa at mag-top pa sa board (asus, asa pa!!! hehe). Then next week na ang prelims, at I haven't reviewed dahil di pa tapos ang coverage!!! waah... 8 subjects sa 2 araw, that really, is a kamusta naman... =p


Then, marami pa kong gagawin. Reports, projects na HS-ish, as I have said earlier. Hay.. mukhang delinkwente pa yung mga kaklase ko, e ayoko pa naman sa mga ganung studyante. Gago ako pero kung sinabi mong mag-aral, mag-aaral ko! Duh, hindi naman sa pangmamata, pero some of the girls, it seems that having their make-ups first before going to any class, is their priority... Para silang mga geisha sa kapal ng make-up matching high-heeled stilettos. Ewan.


Ayun nga, as the title of this entry says, I'm a pretty busy person kahit ganito na ang level ko. Okay, try kong alalahanin:

July 12: Report on History 1, Basa ng Oblicon, so as not to compile everything at the end.
July 13:Try to find an Econ book.. UP hopping for the UJF honorarium cheque! (Myo akin na lang!Haha)
July 14: Quiz sa Rizal at Econ
July 15: Baka may something, nakalimutan ko na... Baka quiz sa Math (asus, sisiw, yehes!)
July 16: Basa for the 8 exams for Friday and Saturday
July 17: Basa ulit
July 18: Deadline of Fil1 project, quiz on Computer whatever
July 19: Review, 114 exam ng BAA batchmates! (Godbless guys!)
July 20: Walang pasok, review
July 21: Exam, Computer, Filipino, Econ and Rizal
July 22: Exam: NatSci1, Math, HIstory and OBLICON!!!!
I'll try to mark these schedules if ever na matapos na, hehe... GO Jon!

Ayun.sana ma-aaccomplish itong lahat with flying colors. Ewan. Sana, kelangan mataas agad, for the possible 2 scholarships, Metrobank and the Academic Scholarship (1.25 kelangang GWA). Kapag nakuha ko tong 2, makakapag-boarding house nako! Whee! Ciao! :)

Monday, July 10, 2006

Badtrip

Nakakainis, di ako naka-attend ng Tararun!!!! Sobrang tamang chance na ito to bond with my JPIA fwends... Si Papa talaga... =( di nia ako pinayagan e... Anyway, naghihintay lang ako ng xerox, then basa ng oblicon... babay!!!! +)

Friday, July 07, 2006

i want to

I want to fall in love.... yung tipong tatanggapin namin ang isa't-isa kung ano man kami...

I want to say sorry to those I have offended...

I want to say "Leche ka!" sa sarili ko dahil isa akong siraulong tao... Leche ka Jon!!!! At isa pang leche sa isang kaibigang nagpapalungkot sa akin for a very weird reason.

I want to turn back the time, obviously...

I want to cry, sa isang kaibigang titignan lang ako, yung nilalalabas kong lahat ng nararamdaman ko...

I want to graduate, with them, my dear UPJPIA buddies... But I think sobrang labo na nito...

I want to go back to High School, attend my very last Acquaintance Party (nag-inarte ako nun =p) pati nadin ang promenade, nagkabulutong ako nun... tsaka babaguhin ko valedictory speech ko, ang babaw kasi e, hahaha =p

I want to sleep ang just dream about UPJPIA... wala lang...yung puro successful lahat ng activities...

If I won on a lottery, say 30 million pesos, ibibigay ko yung kalahati sa UPJPIA... para astigin na sila,kami...

I want to attend all the planning sems....

I just want to be me, most of all...

Nalulungkot lang

siguro nga ganito kapag napapahiwalay ka sa mga kaibigan mo... yung tipong walang kasiguraduhan kung kelan kayo magkikita-kitang lahat... ng buo. Huli yung planning sem, at baka nga di pa maulit yun e... Hay... I'm so lonely... Lonely lonely... I feel that I always float in a void, with nothing to be glorious about.

nakakalungkot lang, wala na talaga yung dating glorious na bakbakan ng tuksuhan at kuwentuhan, dahil iba na ang kinagagalawan kong mundo... buhay talaga. siguro kung makita ko pa sila, depende na lang kung maluwag ang tatay ko sakin, muli. sana mangyari yun...

i need a friend so that i could express my innermost thoughts and feelings...

i need a friend whom i could share my rants and raves about the world we live in, separately...

i really need you.

Wednesday, July 05, 2006

AO/AP


I'm so lonely... Bakit naman kaya kasi tumapat pa sa Wednesday ang AO/AP. Albeit alam ko namang ang AO/AP ay tradisyon nang ginaganap sa araw na ito, sadyang nararamdaman kong para bang ang tadhana ang naglalayo sa akin para umattend dito. Sobrang nalulungkot ako, gusto ko talagang umattend ng AO/AP...

I want to see the new apps, the new faces that will make JPIA more lively. I want to see them grow, I want to see them face the responsibilities I took last year, I want to see them how they are so pleased to join the organization I unconditionally love. I want them to realize how happy it is to have JPIA in their lives in their fruitful and happy days in college. I want them just to be, happy, belonging in the family that I truly love.

I want to see the alumni, who serve as a great inspiration in loving JPIA. Hay, kasi thru them, narealize kong hindi talaga dahilan ang JPIA sa pagkagago sa pag-aaral. My close friends know that JPIA isn't the cause why I flunked most of my grades during my second semester. JPIA ang naging cushion ko from worries, kasi laging masaya sa JPIA.

Sa JPIA ako mas naging emotional, sa JPIA ko lang nalalabas ang iba sa mga nararamdaman ko. Kaya nga nung planning sem e, hehehe... =p

JPIA lang ang nagparealize sa akin kung gaano kasakit umalis sa UP. Ang ideyang umalis ng UP ay wala sa akin, actually. Wala naman ata sa school yan. Nasa tao. Though iba talaga ang training sa UP, on the other hand.

Wahhhh, ang tanging consolation ko lang to be happy ay nalagay ako sa sigsheet. After a year, hindi na ko magiging part. Hindi nako UPJPIAn in reality (pero sa puso,oo!!!!!!) at hindi naman ako considered alumnus, so why should I attend AO/AP this year or in the years to come?

Hay... ang AO/AP tuloy ang nagdala ng mga regressions on my part. Hindi na ko magiging EB. Wala nang mga maiingay na tao. Wala nang planning sem at BACBACAN 2. Wala nang JPIA act. I could never see my friends to become EOs.... (yehes, assuming.) Pero actually, sila lang ang nakikita kong fit for the job... kasi may isa silang katangiang hindi exclusive...hahaha.

So yun... uuwi na lang ako at magbabasa... Hay life... :)

To the new apps, please enjoy the app process. I testify that you'll probably regret if you haven't. Swear!!!! =p







Tuesday, July 04, 2006

Ever After

BONNIE BAILEY - EVER AFTER

Three years ago, my journey began
Chasing down with you, no plan in hand
Just your pulse, my raising guide in the dark
Just no win with conviction from the start

Come on and your eyes make an introduction
I found my second valium proof of life
Flawless to the point of being cuddly
I feel all full, your imperfections

And now it’s like the weather is slightly warmer
Hands gripped together up to after the storm, yeah
I still believe in ever after, with you
Cause life is a pleasure with you by my side
And there ain’t encumbering, this rainbow weekend ride
I still believe in ever after, with you

Nothing compares to the good times
Feels like were floating when the rest have declined
You made me believe in love and all the perfect kind
A real messy beautiful twisted sunshine

Emotions I gave it eruptions
With postal care, so it’s still alive
Tunnel vision, determination
I want you; I want to make it right

And now it’s like the weather is slightly warmer
Hands gripped together up to after the storm, yeah
I still believe in ever after, with you
Cause life is a pleasure with you by my side
And there ain’t encumbering, this rainbow weekend ride
I still believe in ever after, with you

You are my twisted sunshine
You are my twisted sunshine

And now it’s like the weather is slightly warmer
Hands gripped together up to after the storm, yeah
I still believe in ever after, with you
Cause life is a pleasure with you by my side
And there ain’t encumbering, this rainbow weekend ride
I still believe in ever after, with you

And now it’s like the weather is slightly warmer
Hands gripped together up to after the storm, yeah
I still believe in ever after, with you
Cause life is a pleasure with you by my side
And there ain’t encumbering, this rainbow weekend ride
I still believe in ever after, with you

And now it’s like the weather is slightly warmer
Hands gripped together up to after the storm, yeah
I still believe in ever after, with you
Cause life is a pleasure with you by my side
And there ain’t encumbering, this rainbow weekend ride
I still believe in ever after, with you

Hay, sana makamtan ko ito... with everyone that I love... sa lahat ng kaibigan, kapamilya, crush (yes, jik wag mong sabihin kung sino ha!)

Wala lang

Dahil wala naman akong gagawin for tomorrow (except law,which is, anyway, boring). Magboblog na lang ako. Wala lang. I do find blogging more fun than studying (well, sino bang nag-enjoy, hahaha). Ayun, so andito ako sa isang computer shop sa Philcoa, galing lang ako ng school. Naghahanap ng tungkol sa Bayaning Third World, which is the film that we're suppose to write a reaction paper on. Ayun. So boring talaga.

Naalala ko kahapon, nainis lang ako sa argument namin ng tiyuhin ko. I was watching Naruto bandang hapon. Sabi niya, wag na daw ako manuod ng anime, may masamang epekto daw sa akin yun. I replied, "Ano po ba yung masama e malaki na ako? Marami namang matanda yung nanunuod nito (inisip ko agad si Kuya Chad, JPIAn). Yun. Nagalit siya, sabi niya sa akin, makinig daw ako sa kanya, dahil matanda siya sa akin. Hindi daw ba nakaapekto sa akin yun? E tignan ko daw yung sarili ko. Well, I'm ok naman, thinking normally. Wala namang epekto sa akin ang panunuod ng Naruto. Its just that I please myself watching that tv show, kasi naman ang dami ko lang iniisip... (family, JPIA friends, buhay) and watching anime shows makes me relaxed everytime I feel lonely or something.

Bakit ba, anung ginawa ng Naruto sa buhay ko kung bakit ganito? haha, senseless logic...