ako at ang sarili kong mundo

Saturday, September 23, 2006

Of responsibilities, disappointments, stress, worries, at kung anu-ano pa

Ok, so lahat ng ito naranasan ko from Saturday last week till this day. So let me make a kwento (yuck, konyo? haha).

Saturday evening: Preparing for the Econ video and powerpoint presentation. May pasok ako non ha, mind you. I was awake almost 24 hours, from 5:30 till 4:00 am ng Sunday. 9 to 4 am tinapos ko yung effax ng powerpoint (making sure it looks the bomb) tapos inusisa ang movie maker para magamay ito. Ang stress at responsibility as an appointed leader ay talagang ang sakit sa ulo. Buwisit.

Sunday morning till 10 pm: last touches sa eklavu ng ppt. nag-encode at nagprint ng paper namin na inilagay sa scrapbook (na biglang pinagawa). Naligaw ako, leche sa bahy nila Timmy. Nakarating na ako ng Balintawak nang hindi ko namamalayan. Pareho kaming tanga nung drayber. Nakarating na ako ng 7 kila Timmy, kumain, tinapos ang scrapbuk. Nanginterview. 10 na ako nakaalis.

10pm-3am: Started placing the data and making presentation. Stressful. Kamusta?

Monday: natapos ang video. Ayaw i-burn ni kuya Joey, nagpabili muna ng coke sakto (leche ka!) tapos ayun, nagburn na ng cd. 3pm natapos wihtout lunch. dumating sila junyl ng 4 at nakaalis na ako ng 4:30. arrived in morayta ng mga bandang 6:30. nabasa ako ng ulan. di ko na nadatnan si timmy. shet. what a waste of time, sana nagpunta na lang ako sa FI ng JPIA (miss them). Frustrated, disappointed, angry, stressed.

Tuesday: Presentation sa class. on the spot ito, kala namin ibibigay lang ang cd ateh. shemay. they liked the video. even the ppt. i was delighted and overwhelmed. we became one of the 2 finalists. so happy talaga. then, pinarevise ni ma'am ang video, gusto niya english ang annotations. (feu's an english speaking place, ya know.) more work for me, less sleep pa. shet., wait till Friday. Binawi ni Junyl yung mouse na hiniram ko. I cried dahil may project ako sa History. wala pa akong matinong tulog, stressed na stressed na ako, ganito pa.

Wednesday: woke up 7:38 in the morning. didnt attend the natsci class. math1 1st quiz zero (goodbye flat one, summa dreams), dahil 9:38 na ako nakarating ng FEU. nakakafrustrate. i worried for the scholarship... hay... minadali ang history project. forgot to put jose laurel. announced recitation on saturday at nagalit pa si sir ..... kulang sa tulog. tried to revise videos, pero yung transitions lang sa powerpoint nagawa ko. slept around 12:30 am. sleepy and stressed pa din, worried too.

Thursday morning: waited for vendors. walang internet sa lugar namin, can't search for the pix that i will put sa video. it took me 9 hours before i could search. nasira diskette, bumalik pa ako sa tungko. started working around 8 am, finished 2 am. stressed.

Friday: hindi nakapag-aral sa law, shet!!!! umabsent sa computer dahil hindi pa naburn cd, 9am pa ang bukas. so mga 11:30 na ako pumasok. hay lyf. napagbintangan pa ng isang tangang driver na hindi nagbayad. shet. napahiya at worried. then econ class: a big revelation: WE'RE DISQUALIFIED!!! PUTANG INA!!! DAHIL SA FORTUITOUS EVENT NA PAGKAWALA NG INTERNET, WE'RE DISQUALIFIED SA COMPETITION! OMG! AFTER SLEEPLESS NIGHTS AND MONEYS THAT WERE USED, GANITO LANG! sinabi mo pwede ng friday, its so unfair... nakalimutan mo lang. hindi na namin kasalanan kung napahiya ka sa colleagues mo, its your fault dahil mayabang ka. disappointed, angry, shitty. dumagdag pa yung bading na yun sa business center. NO ONE BOTHERED TO AGREE WITH WHAT I FELT.

SATURDAY: LAW RECITATION. haven't studied well. hindi ako natawag... yahoo ba o oh no? oh my god... di pa tapos ang kalbaryo ko?

bakit hindi pa nagtapos ngayong linggo? sabi nga ni leo, mali si daniel powter. its a shitty bad week for me... everything's ruined. and now, madami pa akong gagawin, debate, speech, assignments, readings, eklavu leche!!!

well, harapin yan, buhay studyante. so it is very false to assume na ang dali ng buhay estudyante. isa ito sa mga dahilan kaya umalis ako ng UP e, everyone assumed na kaya ko kahit nasa bahay ako... haha, nakita niyo na? lahat tayo napahamak...

Friday, September 15, 2006

hay

kainis talaga. ang hirap ng presentation. nakadepende dito ang portion ng aming final grade sa econ. sana we win the competition. hy... competitive ako... ang problem kasi ay wala pa akong pera. sumabay pa itong pangit na ito. hmph.

nakakainis kung may ibang taong umaasa sa iyo tapos bigla kang iiwanan sa ere. ayoko lang ng ganun.

challenge night na ng jpia. pupunta ba ako?

may blog si lica : licamae.blogspot.com... link nio!!!!

Monday, September 11, 2006

Start of Something New

Living in my own world
Didn't understand
That anything can happen
When you take a chance
I never believed in
What I couldn't see
I never opened my heart
To all the possibilities
I know that something has changed
Never felt this way
And right here tonight

This could be the start
Of something new
It feels so right
To be here with you
And now looking in your eyes
I feel in my heart
The start of something new

Now who'd of ever thought that
We'd both be here tonight
And the world looks so much brighter
With you by my side
I know that something has changed
Never felt this way
I know it for real

This could be the start
Of something new
It feels so right
To be here with you
And now looking in your eyes
I feel in my heart
The start of something new

I never knew that it could happen
Till it happened to me
I didn't know it before
But now it's easy to see

It's a start
Of something new
It feels so right
To be here with you
And now looking in your eyes
I feel in my heart

That it's the start
Of something new
It feels so right
To be here with you
And now looking in your eyes
I feel in my heart
The start of something new
Start of something new
start of something new

Why I love coming back

Ang entry na ito ay inspired by Jay Jay Perlado, former President ng JPIA.

Hindi talaga ako social person. Never akong umaattend ng mga social gatherings, kahit nga ata clan gatherings, hindi ko na-appreciate. Siguro dahil masyado akong nakulong sa aking so-called "protective bubble" at tsaka may natitira pa sa aking kahihiyan (akalain mo). Pero I never thought that during my sophomore year, may magbabago noon. At yun ay ang JPIA.

Siguro marahil ang iba sa inyong nakakabasa ay madalas puro JPIA at buhay ang aking nilalagay sa blog. Dahil ang JPIA talaga ay isang bahagi ng aking buhay na hindi ko maiwawaglit. Kasi sobrang blessed ako dahil for once, naging vocal ako sa mga nararamdaman ko at natuto akong makibagay (na never kong ginawa sa tanan ng buhay ko) sa mga tao. May iba ding nagsasabing hindi malinaw kung sino yung pinagsisilbihan mo, kung yung organisasyon ba, mga tao (members at mga beneficiaries, i.e, future scholars ng LEAP, mga Botocan kids, underpriveleged students, BSA students, etc). Pero ito lang ang masasabi ko, wala akong pakialam. Hindi mahalaga sa akin kung sino yung direktang nakikinabang sa pawis na nilalabas ko tuwing may ine-exert akong effort para sa isang aktibidad; ang importante, somewhere, sometime, may makikinabang sa aking paghihirap. Oo nga't bilang isang akademikong organisasyon dapat nakatuon ang JPIA sa mga akademikong aktibidad ng miyembro nito, ngunit para sa akin, ang kabuuang pagbabago at paghubog sa kanilang pagkatao ang dapat na gawing thrust ng JPIA. At iyon ang aming ginagawa at pinaninindigan.

Isa sa mga rason kung bakit gustong-gusto kong bumalik ng JPIA ay dahil sa mga tao. Never akong matagal na nagtatagal sa isang lugar. Pero kapag nasa tambayan ka na, ibang kaso na. Dito talaga ako nakaramdam ng bahay sa labas ng tahanan. Ang saya. Shet. Kaya nga ngayon, nakakalungkot mang isipin, wala na ako sa bahay na yun. Pero I'll be keeping the fun memories that I have experienced forever.

Pangalawang reason kung bakit ay nagkakaroon ako ng time para sa sarili ko. Sa bahay, parang limited siya kasi ang daming tao. Kahit madaming tao sa JPIA, parang wala lang, it's your life. Hindi tulad sa ibang lugar na dapat matuto kang maging composed, sa bahay na matuto kang sumunod, sa tambayan, nawala na lahat ng limits na yun, I became myself, kahit may iba't-ibang tao pa din. That's why I love coming back.

HULI sa lahat, kung bakit gustong-gusto kong balik-balikan, ay dahil sa pakiramdam ng kasiyahan. Ibang klase sa JPIA. Kahit sinong JPIAn ang tanungin mo, ang saya sa organisasyong ito. Haller, Hall of Famer? Yung iba nga e, when there's a commitment from some other entities, they would prefer JPIA. Kaya nga love ko to e, maraming taong devoted. :))

Ikaw JPIAn, sana you love coming back. :)

Wednesday, September 06, 2006

Objectivity

Hay, masaya talaga ako this day kahit may bumungad ulit na problema sa pamilya. Ayun, some of my midterm grades were released so the day for me was so far...uhm, pleasant.

Uno na ako sa NatSci at Math!!! woohoo. tapos, 97 sa midterm exam sa history at whooping 91 sa law... (see previous posts why ang saya ko na sa 91.) From 59 prelim grade to this is it na midterm grade na 84=2/1.75 i think, sinong hindi matutuwa... at kapag nagpatuloy pa ang ganitong levelling, haha, baka maka 1.25 or 1 ako sa law!!! wohoo... that's why i love na our terror but good prof na si Sr. Ramos. :) (this paragraph's about my gcness, haha).

Then I remember, ganito din ako sa isang subject noon sa UP. Uno standing tapos dahil sa pagkatulog sa class (due sa 2 days na sleepless), paano ba ito, tama bang sabihing napag-initan?, naging 4. one of the major causes why i was kicked out of the course. hindi ko na niremove kasi futile ang move na yun, kukutyain na nga niya ako, possibly, tska di ko pa din maabot yung cut-off. then i remembered objectivity. is it a ground enough for a student to give a good grade because he's so charming and appealing and on the other hand,an ugly grade sleeping in the class because he's got so many problems and stressful work? nanghihinayang ako talaga dun. ewan. pero sabi nga ni jill de dumo, wag magpaka-succumb. yehes, ang lalim ng word. =p wala lang, naalala ko lang.

sige, babu na,me babasahin pa ako sa LAW! hahahahaha.=p

Sunday, September 03, 2006

Please

Please pray for my brother... kasi may dengue siya... kelangan din niya pala ng blood... ayun...
BTW, ito na yung photoshop product ko... yiheee!!!