ako at ang sarili kong mundo

Wednesday, November 15, 2006

Twenty

What will I do after 20 years? Natatakot talaga ako. May sumagi nga sa isip ko e, na baka ang barkada di ko na makita. Natatakot talaga ako. Natatakot ako. Sobra. Oo, sasabihin niyo napakatanga ko at kung anu-ano ang iniisip pero, you can't deny the fact that a person must continue the path he's walking, diba? AT malamang iba-iba kami ng landas...

Pero, ganun ang buhay, alam ko. May kanya-kanyang landasin at pangarap. Kaya siguro, dapat kong isipin na di naman ako kakalimutan at barkada pa din kami. :)

Monday, November 13, 2006

Jeepney

Ako-isang ligaw na nilalang.
Naghahanap ng kasagutan.
Naghahanap ng kapayapaan.
Nakita ko ang jeepney.
Pumukaw siya sa akinng mga mata.
Ninais ko ang harapan ngunit
may nakasakay na.
Umupo ako sa dulo, para kahit
papano'y masandalan ko siya.
Bumaba ako sa akalang narating na ang destinasyon.
Ngunit, nagkamali ako-ako'y napabuntung-hininga.
Naghahantay muli ng panibagong masasakyan.
Walang huminto sa aking pagpapara.
Muli, ako'y nagpagala-gala.
Sinubukang buuin ang sarili.
Huminto muli ang mundo ko.


Dumating siyang muli, ang jeepney.
Pinara ko siya. Pinasakay niya ako.
Ninais ko ang harapan ngunit
may nakasakay na.
Umupo ako sa dulo, para kahit
papano'y masandalan ko siya.
Bumaba ako sa akalang narating na ang destinasyon.
Naligaw akong muli, nabigong muli.
Sana mapara ko siyang muli -
Malay natin, ako na ang nasa harapan, kasama sa
bawat paglakbay.

Sunday, November 05, 2006

Simpleng Tribute sa Batch nila... :)


Obviously, sila yung batch na naabutan ko nung naging BAA na ako. Pero, sila yung batch na hindi ko malilimutan kasi madaming JPIAns na "tanders" sa batch nila na napamahal na sa akin :).... kaya, bibigyan ko ng simpleng tribute... yung picture pala galing sa blog ni ate loraine :)

To the EOs na constant inspiration ko... Para sa akin, epitome kayo ng isang BSBAA student. Not only you excelled in academics but also in your curricular activities. Dahil dun, hinahangaan ko kayo... Yehes! Special mention na din kay MAK taba, yobab!!!! Wohooo!!!! Galing talaga.... Idol!!!! Libre....

Kila Ate ELay na lagi kong tinetext na "GO UP!!! GO 100%". Dahil ata sa akin kaya naging 100% kayo.... Hahaha... JOke lang... Sabi sa inyo, kaya niyo yan...

Galing niyo talaga... Sana ako din, maging CPA ;).

SPecial mention to the topnotchers na sila Ate Germee (love ni Mak, hehe), at nasa parehong posisyon ni Kuya Mak... ATe Lyzet, Go EXTE! Ate Lynne, Ate Karina na nakalimutan ko yung name nung formal interview, hehe, at siyempre, sa ayaw namang magtop na si ATE GILLIANE SAY!!! Yehes, proud si Kuya Janrich!!! hehe...

SALUDO AKO SA INYO!!! GO 100%

P.S. :Though sinabi ni Kuya Mak na may ilan pa ding din nagtake ng boards, 100% pa din... :)

P.S.S.: Libre kuya MAK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!